tulay sa nOrte
habang tinatahak ng aking sinasakyang van ang mga kalye patungong camarines norte, napukaw at naenganyo ang aking mga mata sa pagbabasa at pag-abang sa bawat tulay na aming madaraanan..
masyadong kasi silang…
kakaiba. nakakatuwa. kapansin-pansin.
yan ang aking masasabi sa mga pangalan ng mga tulay patungong camarines norte. heto nga at hindi ko napigiling isulat ang ilan lamang sa mga ito. ( nakatulog kasi ako sa byahe. malayo layo kaya iyon. hehe)
narito.
talagpucao.
mataque.
alayao.
calimoog.
pinaglapaan.
hanlab.
malatap.
mag-atip.
binuang.
daguip.
potot.
galocan.
labo.
talisay.
nakakatuwa. tunay ngang kakaiba. saan kaya hinango ang mga ito?
sadya ngang malikhain ang isip ng mga pilipino. lalo na mga BIKOLANO.